Mon, 21 Sep 2020

Tagalog News: Mga nagpositibong LSI sa Romblon, umakyat na sa 13

Philippine Information Agency
03 Aug 2020, 18:38 GMT+10

ODIONGAN, Romblon, Agosto 3 (PIA) --

Ang pinakahuli ay ang tatlong (LSI) na umuwi ng mga bayan ng San Fernando sa Sibuyan Island at sa bayan ng Romblon, Romblon.

Sa ulat ng PESU, lumalabas na ang dalawang LSI ay umuwi ng San Fernando ay naging close-contact ng anim na LSI na nagpositibo noong nakaraang linggo; ang isa naman ay nagpositibo sa rapid testing nang ito ay dumating ng bayan ng Romblon, Romblon kaya kinunan ng samples para sa swab test.

Parehong mga asymptomatic o walang sintomas ng Covid-19 ang tatlo.

Sila ay magkahiwalay na naka-isolate sa tatlong isolation facility sa kani-kanilang bayan habang patuloy na nagsasagawa ng contact tracing ang mga lokal na pamahalaan sa mga nakasalamuha ng tatlo.

Sa kasalukuyan, may aabot na sa 10 ang active case ng Covid-19 sa probinsya kung saan walo rito ay sa San Fernando, isa sa Magdiwang, at isa sa Romblon. (PJF/PIA-Mimaropa)

Sign up for Los Angeles News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!